Mga nakulikta kong qoutes ni bob ong. Isa siya sa mga fave ko na filipino writer. Enjoy ^ ^
-----------------------------------------------------------------------
"walang taong manhid... hindi niya lang talaga
maintindihan kung ang gusto mong iparating dahil
ayaw mo siyang diretsuhin."
-----------------------------------------------------------------------
"Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso.
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag
marunong kang makinig, marunong kang mag-mahal."
-----------------------------------------------------------------------
"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang
tao pag nagtalikuran? Kailangan mo libutin ang buong
mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
-----------------------------------------------------------------------
"Kung hindi ka marunong magsorry mabuti pang huwag kanang
gumawa ng bagay na makakasakit...
At kung marunong ka naman magsorry, huwag mo gawing dahilan
para ulit-ulitin na makasakit."
-----------------------------------------------------------------------
"Siguro kung tatamaan ng mga kidlat ang mga taong di
tumutupad sa salitang PROMISE... Magmimistulang
fire works display everyday."
-----------------------------------------------------------------------
"Huwag mong bitawan ang bagay na di mo kayang makitang
hinahawakan ng iba.
Napakasimple diba?
Mas simple... Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan
mo lang."
-----------------------------------------------------------------------
"Mahirap pumapel sa buhay ng tao, lalo na kung hindi ikaw
ang bida sa script na pinili niya."
-----------------------------------------------------------------------
"Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep.
Na kapag buo ang ibinigay mo, susuklian ka kahit papano."
-----------------------------------------------------------------------
"Hindi takot o lungkot ang mahirap sa pag-iisa, kundi
ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo
wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
-----------------------------------------------------------------------
"Kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa may kumukuha pa.
Yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa'yo?
Wala nang nagtatagal sa panahong ito. Kung may iiwan ka
siguraduhin mong hindi iyon mahalaga."
-----------------------------------------------------------------------
"Ganyan talaga ang mga tao pipihit-pihit ang katotohanan
hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng
mga makasarili nilang puso."
-----------------------------------------------------------------------
"Kaya nahihirapan tayo na magpatawad ng isang taong nakasakit
sa atin ay dahil inilalagay natin sa isip natin na tayo
lang ang nasasaktan."
-----------------------------------------------------------------------
"Hiwalayan na kung di kana masaya, tandaan walang gamot
sa tanga kundi pagkukusa."
-----------------------------------------------------------------------
"Paano mo makikita yung taong para sayo kung ayaw mo
namang tantanan yung taong pinipilit mong maging sayo."
-----------------------------------------------------------------------
"Hindi porket manhin ka ay wala kanang kakayahang manakit."
-----------------------------------------------------------------------
"Minsan para ka palang nagmamahal sa pader, habang mas
pinagdidiinan mo itulak ang sarili mo, mas nasasaktan
ka. Pero siya di pa rin natitinag."
-----------------------------------------------------------------------
"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo lang. Malay mo
sa susunod na araw ayaw mo din sa kanya. Naunahan ka lang."
-----------------------------------------------------------------------
"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
-----------------------------------------------------------------------
"Hindi naman mahaba ang buhay para paasahin mo ang isang tao
para sa wala lang. Eh kung sinabai mo na lang sana na ayaw mo, nakahanap na siya ng magmamahal sa kanya ng higit pa sa
pagmamahal niya sayo."
-----------------------------------------------------------------------
11 November 2009, 12:22
MARIA LOUNETH APOCALYPES
7 November 2009, 10:04
7 November 2009, 09:37
7 November 2009, 09:19
7 November 2009, 08:53